NAGSASABWATAN umano ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno para hiyain ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na gumaganap lamang sa kanilang tungkulin.
Pahayag ito ng isang opisyal ng BOC na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa naganap na pagdinig noong Huwebes sa House Committee on Dangerous Drugs at Committee on Good Government hinggil sa drug shipment kung saan sinasabing itinago ang mga shabu sa apat na magnetic lifters na naipuslit sa Manila International Container port.
Nagmula, aniya sa Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at mismong sa BOC ang mga opisyal na nagsanib-puwersa para umano’y manipulahin ang pagpasok ng sinasabing P6.8 billion na shabu shipment sa bansa.
Halata rin umanong ipinakikita sa naturang public hearing kung paano nag-leak sa ilang indibidwal ang intelligence information hinggil sa shipment.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang dalawang komite sa Kamara sa drug shipment na itinago umano sa apat na magnetic lifters na naglalaman ng shabu at naipuslit sa Manila International Container Port (MICP).
Ayon pa sa opisyal, nakalulungkot na nadadamay sa kahihiyan ang mga mabubuting opisyal ng BOC dahil lamang sa kagagawan ng iilang tiwaling opisyal ng gobyerno.
“You can see how unscrupulous individuals had no qualms about humiliating any BOC officials to show how powerful they are. They want to show the world that they can easily destroy the reputation and cause the removal of any commissioner or top official who wanted to stop them,” pahayag ng BOC official.
Kasabay nito ay umaasa siyang sa bandang huli ay mabibigyan ng hustisya ng mga imbestigasyon sa Kamara at Senate Blue ribbon committee ang mga hindi kasabwat sa drug shipment habang maparusahan naman ang mga responsable sa pagpuslit ng droga.
“It’s a pity that men of good character are being subjected to public ridicule. We hope that in the end, the findings of the House committees and the Senate blue ribbon committee will give justice to those who were not involved in the supposed drug shipment and severely punished those who were responsible for it,” dagdag pa niya. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.