NASA P326 billion na kita kada taon ang kakailanganin ng bansa para mabayaran ang mga pagkakautang sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, kung susumahin ang debt service mula January 2020 hanggang March 2022 ay tinatayang aabot sa P144 billion ang halaga para sa pinakautang na dapat mabayaran at P181 billion naman para sa interest payment.
Gayunman, ang halaga ng utang ay nagbabago-bago kada taon kung saan minsan ay mas mababa ang babayaran sa isang taon.
Mangangailangan naman ng “fiscal space” kung saan hahabaan ang payment schedule upang masakop ang mga bayarin na utang na hindi na kakailanganin pa na tapyasan ang pondo ng mga ahensiya.
Maaari aniyang gamitin ni presumptive President Ferdinand Marcos Jr., ang “supermajority” ng Kamara para makalikha ng batas sa episyenteng pagbubuwis at mga polisiyang pang-ekonomiya na makatutugon sa malaking utang ng bansa CONDE BATAC