TINAASAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rates nito ng 50 basis points sa 3.75% para mapabagal ang inflation.
Ang 50-basis point rate hike ay kasunod ng off-cycle increase ng Monetary Board na three-quarters of a percentage point (75 bp) ng noong Hulyo.
Ang central bank rates ay nagsisilbing benchmark ng mga bangko at lending companies para sa kanilang loan, credit card, at deposit rates.
Ang inflation ay bumilis sa 6.4% noong Hulyo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, langis at transportasyon.
Itinaas din ng BSP ang average inflation forecast nito para sa taon sa 5.4% , mula sa 5% na inanunsiyo nito noong Hunyo at sa 4.6% na inanunsiyo noong Mayo.
Ang inflation ay inaasahang mag-a-average ng 4% sa 2023, na upper end ng target range ng pamahalaan na 2 hanggang 4%.