INAPRUBAHAN na ng World Bank ang $300 million loan ng Pilipinas para sa pagpapaigting ng vaccination program nito.
Ayon sa World Bank, layon din nito na mapalakas ang health systems ng bansa, at mapagtagumpayan ang epekto ng pandemya, lalo na sa mahihirap at ‘most vulnerable’.
“Fair, broad, and fast access to effective and safe COVID-19 vaccines is vital to save lives and strengthen economic recovery,” wika ni Ndiamé Diop, World Bank Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand.
Ayon kay Djop, layunin ng pagpopondo na matulungan ang bansa sa ligtas na muling pagbubukas ng ekonomiya at maipagpatuloy ang economic at social development activities, kabilang ang face-to-face learning, na nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.
Tinatayang 27 million vaccine doses ang ipagkakaloob, “subject to regulatory approvals and data on safety, through the new loan.”
Popondohan din nito ang primary doses para sa mga batang may edad 12 bilang suporta sa pagsisikap ng bansa para sa ligtas na pagbabalik-eskuwela.
Dagdag pa ni Diop, ang bagong lending operation na ito ay makatutulong din sa pagsisikap ng bansa na matugunan ang mga sumusulpot na variants tulad ng Omicron.