HINAMON ng Malakanyang ang Kongreso na bumalangkas ng bagong batas para palawigin pa ang prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso sa Marso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagkakaroon ng magkakasalungat na opinyon ang mga mambabatas kung maaari pang ipagpatuloy o hindi na ang operasyon ng ABS-CBN kahit na mapaso na ang prangkisa nito.
Maaari aniyang magpasa ng bagong batas ang Kongreso na nagsasabing may pending na batas para sa franchise renewal.
Hindi aniya dapat na matakot ang mga mambabatas sa pagbalangkas ng bagong batas na kahit pa i-veto ng Pangulong Duterte ay may kapangyarihan pa rin ang Kongreso na i-override sa pamamagitan ng pagbobotohan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.