(Para matugunan ang local milk demand) PH DAIRY SECTOR PALALAKASIN

KASUNOD ng paglagda sa isang joint declaration ng Pilipinas at France para sa agricultural cooperation sa dairy industry, inatasan ni Agriculture Secretary William Dar ang sektor na palakasin ang produksiyon at bumuo ng mga plano tungo sa pagtugon sa local milk demands.

Inatasan din niya ang DA-National Dairy Authority (NDA) at ang DA-Philippine Carabao Center (PCC) na i-re-tool ang local production strategies at aktibong makipagpartner sa pribadong  sektor.

“There is a huge potential in the sector but the challenge continues at all levels. But just because the challenge is there, we cannot be complacent and fail to persevere,” sabi ni Sec. Dar.

“We need to elevate our game and aim higher in such a way that the NDA and the PCC are able to strategize towards increasing competitiveness, boosting our local milk production and relying less on imports,” dagdag pa niya.

Ang Pilipinas ay isang malaking importer ng dairy products, partikular ang milk powder. Karamihan sa annual dairy requirement ng bansa ay sinusuplay ng importers at processors.

Noong 2020, ang Philippine dairy industry ay nagtala ng pagtaas sa local milk production, gayundin ng pagbaba sa imports at exports ng milk atbdairy products.

Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang local milk production ay tumaas ng 9.5 percent mula 24.38 million liters noong 2019 sa 26.71 million liters noong 2020. Ito ay dahil sa pagtaas ng dairy animals sa milkline, kabilang ang icattle (64%), buffalo (31%), at  goat (5%).

Ang nangungunang milk-producing provinces ay  Davao, Laguna, Bulacan, Bukidnon at  ­Batangas.