ISINUSULONG ng Department of Agriculture (DA) ang urban gardening sa ilalim ng Plant, Plant, Plant program nito upang matiyak ang food sufficiency habang nilalabanan ng bansa ang coronavirus 2019 (COVID-19).
“Ito po ay matagal nang proyekto ng DA. Ngunit ngayon, higit kailanman, kailangan nating dagdagan, i-level up, magsama-sama,” wika ni Agriculture Secretary William Dar.
Mismong si Dar ay may urban garden sa kanyang bahay.
Sa isang video na ipinalabas ng DA ay makikita si Dar na nakaupo sa tabi ng isang pitak ng lupa.
“Magtanim na po tayo. Backyard gardening. Para mayroon tayong sapat na kakainin po. Maraming salamat po. Plant, plant, plant,” ani Dar sa video.
Namamahagi rin ang ahensiya ng mga buto at punla.
“Ipinag-utos ko na po sa ating mga regional executive director na agad na mamigay ng buto at ang mga punla, seedlings, at mga pananim para sa urban agriculture at gulayan sa barangay. At lahat po ay tumatalima na,” anang kalihim.
Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa Bureau of Plant Industry hotlines sa 0916-053-4831 at 0956-5245187 o bisitahin ang Facebook page nito.
Comments are closed.