IPAGPAPATULOY nang muli ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration o pagtatala ng mga botante sa bansa para sa 2022 national and local elections.
“Applications for registration, transfer of registration records, change/correction of entries in the registration record, reactivation of registration record, and reinstatement of name in the list of voters will be accepted,” anang Comelec.
Ayon sa Comelec, maging ang persons with disabilities, senior citizens at mga miyembro ng Indigenous peoples (IP) o Indigenous Cultural Communities at iba pang miyembro ng vulnerable sectors ay maaari na rin magpa-update ng kanilang record mula sa poll body.
Nabatid na ang aplikasyon at pag-update ng record ay dapat na personal na isagawa ng botante sa Office of the Election Officer sa lungsod o munisipalidad kung saan nakatira ang isang aplikante, mula Lunes hanggang Sabado, kasama ang araw ng holidays, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Ayon sa Comelec, ang registration period ay magtatagal hanggang Setyembre 30, 2021.
Hindi naman tatanggap ng aplikasyon ang Comelec sa mga petsang Abril 19 at 10, 2020 na natapat sa araw ng Huwebes Santo at Biyernes San-to; Disyembre 25, 2020 na araw ng Pasko, at Abril 1 at 2, 2021, na natapat rin sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Samantala, dahil naman sa pagdaraos ng plebisito sa 23 munisipalidad ng Palawan sa Mayo 11, 2020, ay hindi muna magdaraos ng voter registration doon ang Comelec, maliban na lamang sa Puerto Princesa.
“In view of the conduct of the plebiscite in the 23 municipalities of the province of Palawan on May 11, 2020, registration there will not be con-ducted. However, registration for the residents of Puerto Princesa City resumes on January 20, 2020,” anang Comelec.
Kabilang sa mga maaaring magparehistro ay ang mga tutuntong ng 18-taong gulang hanggang sa araw ng halalan o sa Mayo 9, 2020.
Dapat ding residente siya ng Filipinas sa loob ng isang taon, at anim na buwan nang naninirahan sa lugar kung saan niya nais na bumoto, hanggang sa mismong araw ng halalan.
Nilinaw naman ng Comelec na ang mga botanteng nakapagrehistro na noong May 13, 2019 midterm elections ay hindi na dapat pang muling mag-apply.
“As per Resolution No. 10635, the Commission has decided top commence the resumption of voters this month instead of on July 6, 2020, in view of the postponement of the May 11, 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections pursuant to Republic Act No. 8189,” anang Comelec. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.