(Para sa Itim na Nazareno) GUN BAN IMPLEMENTATION BAHALA NA SI SINAS – GAMBOA

CAMP CRAME – IPAUUBAYA na ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang desisyon kung kakanselahin ang permit to carry firearms sa Maynila para sa Pista ng Itim na Nazareno.

Magugunitang noong nakaraang taon ay tanging mga pulis at sundalo lang ang pinahintulutang magdala ng armas sa Maynila sa araw ng Tras­lacion.

Ayon Kay Gamboa, kinokonsidera rin nila sa pagpaplano ng seguridad sa nasabing taunang tradisyon ang mga kaga­napan sa gitnang silangan.

Ito ay may kinalaman sa banta ng Iran na paghigantihan ang Estados Unidos sa pagkakapatay ng kanilang top military commander sa US air strike noong Biyernes.

Gayunman, ayon kay Gamboa sa ngayon ay wala pa naman silang namonitor na banta sa Tras­lacion.

Subalit kung mayroon man aniya ay magsasagawa ang PNP ng kaukulang adjustments sa kanilang security plan. EUNICE C.

Comments are closed.