NAGPULONG na sina Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin at Chinese Ambassador Huang Xilian para talakayin ang panukalang oil at gas development sa pagitan ng Filipinas at China.
Ito ay makaraang imbitahan ng Chinese Ambassador si Locsin kasama ang ilang opisyal ng DFA para talakayin ang mga lalamanin ng kasunduan para sa interes ng magkabilang panig.
Gayunpaman, hindi naman tinukoy kung anu-anong bahagi ng West Philippine Sea ang posibleng i-explore ng dalawang bansa.
Bukod dito, napag-usapan din ang iba pang infrastracture projects na popondohan ng China.