PARA SA KULTURA AT PANITIKAN NG BAYAN

BILANG pagdiriwang pa rin ng National Reading Month, National Children’s Month, at National Book Development Month ngayong buwan ng Nobyembre, ituon naman natin ang spotlight sa Iloilo Children’s Book Fair na bahagi ng Iloilo Mega Book Fair na gaganapin mula ika-23 hanggang ika-24 ng buwang kasalukuyan sa Book Latte, Iloilo City.

Katuwang ang Ka­singkasing Press, Hubon Manunulat, at National Book Development Board (NBDB) sa paglulunsad ng Curated Insights, isang serye ng libreng creative writing lectures na bukas sa mga high school students. Kasama sa mga diskusyon ang buhay at mga obra ng ilang itinuturing na literary at cultural icons mula sa Western Visayas, partikular sa Iloilo. Layunin ng aktibidad na ito na ma-inspire ang mga estudyante sa buhay at karanasan ng mga personalidad na magiging bahagi ng mga diskusyon.

Maaaring bisitahin ang Facebook page ng Iloilo Mega Book Fair upang makapag-register para sa event.

Samantala, may anun­siyo naman ang NBDB na bukas na ang kanilang Call for Applications para sa Translation Subsidy Program. Maaaring i-translate ang anumang aklat na inilimbag sa Pilipinas sa wikang Ingles o sa anumang lengguwahe sa Pilipinas. Makatatanggap ng grant na maaaring umabot sa P200,000 ang mga mapipiling pro­yekto.

Sa ika-10 ng Dis­yembre 2024 ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon. Para sa mga katanungan, maaaring mag-email sa [email protected] o bumisita sa NBDB Facebook page upang ma-access ang links para sa mga requirements, application form, application pro­posal, at policy guidelines.