(Para sa pampublikong kaligtasan)MERALCO, BFP SANIB-PUWERSA

UPANG isulong at mas mapangalagaan ang pampublikong kaligtasan, nagsanib-puwersa ang Manila Electric Company (Meralco) at ang Bureau of Fire Protection (BFP) para paigtingin ang kapabilidad ng mga ito ukol sa emergency response sa mga lugar na nasasakupan ng operasyon ng BFP-NCR.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan ng Meralco at BFP kamakailan, magtutulungan ang dalawa sa pagbuo, pagsasanay, at pagpapatakbo ng fire brigade team na itatalaga sa loob ng Meralco Operating Center sa Pasig City.

Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, makatutulong ang Meralco Fire Brigade Team sa agarang pagresponde sa mga insidente ng sunog sa mga kalapit na komunidad at sa mga lugar na sakop ng prangkisa ng Meralco. Malaking tulong din ito sa layunin ng BFP na makarating sa mga lugar ng sunog sa loob ng lima hanggang pitong minuto, na siyang itinuturing na ideal response time ng institusyon.

Ang pangunahin at pinakamahalagang bagay sa pagsusulong ng pampublikong kaligtasan sa pamamagitan ng emergency response ay ang kapabilidad na maapula ang sunog, ang pagsasagawa ng search and rescue, at health emergency response. Bubuo ang Meralco ng Meralco Response Team na kabibilangan ng mga empleyado nito mula sa opisina ng Safety, Facilities, at Security, at kabilang din ang mga employee volunteer.

Sa kabilang dako, magtatalaga naman ang BFP ng mga opisyal at tauhan nito na may sapat na kakayahang mangasiwa sa pagsasanay at pagtuturo ng mga kinakailangang kapabilidad at kakayahan upang magampanan ng Meralco Response Team ang mga responsibilidad nito.

Magtatayo rin ang Meralco ng sarili nitong fire station sa loob ng compound nito upang mas masuportahan ang 24/7 na operasyon ng brigada. Ang nasabing gusali ay inaasahang magsisimula ng operasyon sa taong 2023. Ito ang magsisilbingfire emergency response center, pasilidad para sa pagsasanay ng mga bumbero at rescue team, at linya ng komunikasyon sa pagitan ng Meralco at BFP. Dito rin ilalagak ang mga espesyalna kagamitan gaya ng mga fire truck, mga water tanker, mga rescue tender at mga rescue boat.

Ipinahayag ni BFP-NCR Regional Director Chief Superintendent Gilbert D. Dolot ang taos-pusong pagpapahalaga ng BFP sa Meralco sa pagtutulungang ito.

Aniya: “We are partners who will never cease to explore opportunities and avenues for the improvement of public safety, and we are very happy to see that Meralco is doing its part not only by delivering its corporate goals. It went beyond by venturing in public safety as part of its social responsibility.”

Sa kanyang mensahe noong MOA signing, sinabi naman ni Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa na, “Meralco’s primary mission is to provide safe, reliable, affordable, and efficient electricity service to all customers within our franchise area. As part of our mandate, safety and protection are very important functions as well.”

“It is in this light that we have developed a plan to establish a fully operational and complementary fire station here in Meralco to serve not just the needs of Meralco but also the needs of our nearby communities, particularly Pasig and Mandaluyong. And with the help of the BFP, we plan to operationalize this fire station and develop our own fire and rescue unit. We thank the BFP for making this a reality for us, and hopefully we can be part of your private sector support and join your runs in addressing fire incidents in Metro Manila,” dagdag pa ni Atty. Espinosa.

Dahil ang kaligtasan ay isa sa mga pangunahing prayoridad ng Meralco, suportado ng Meralco ang mga kampanya ng BFP na nagsusulong ng fire prevention at safety awareness. Nang ipagdiwang ang Fire Prevention Month noong Marso, nakiisa ang Meralco sa mga aktibidad ng BFP.

Nagtulungan din ang Meralco at BFP sa regular na pagsasagawa ng mga fire safety and prevention training, at mga seminar ukol sa electrical safety na magbibigay kaalaman sa publiko.