IPINADALA kahapon ng Philippine Navy ang kanilang landing dock, BRP Tarlac (LD601) na nasa ilalim ng Sealift Amphibious Force ng Philippine Fleet lulan ang may 240 toneladang relief goods, construction materials at mga heavy equipment na hudyat ng full blast relief and rehabilitation mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Kasama sa isinagawang send off kahapon sa Pier 15 ni Defense Secretary Delfin Lorenzana para sa humanitarian assistance and disaster response (HADR) mission sa Catanduanes province na lubhang winasak ng mga nagdaang bagyo.
Ang LD601 ay may kargang ng 240 tons ng assorted relief goods at construction materials mula sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno, non-government organizations, at pribadong indibiduwal.
Kasama ni Lorenzana si fleet commander, Rear Adm. Loumer Bernabe, AFP deputy chief of staff Rear Adm. Erick Ka-gaoan at executives mula Office of Civil Defense, National Disaster Risk Reduction and Management Council at Department of Social Welfare and Development.
Sakay din ng BRP Tarlac LD601 ang ilang heavy equipment, trucks at trailers mula sa Naval Combat Engineering Brigade at ang Marine Battalion Landing Team 9 para sa clearing operations at rehabilitation efforts.
Ipinarating ni Sec. Lorenzana ang pasasalamat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng mga sundalo.
“The gratitude of the commander-in-chief, President Rodrigo Duterte at ang nararamdamang nitong pagmamalaki ng One Defense. Kaya naman bilang inyong kalihim ng Tanggulang Pambansa, tinitiyak ko sa inyo ang buong suporta ng kagawaran para sa inyong modernisasyon. We shall vigorously provide our Navy with assets for a better, more efficient, and prompt humanitarian assistance to our fellow Filipinos in dire times”, ani Lorenzana.
Kaugnay nito, wala ring tigil ang ang ginagawang relief distribution and rehabilitation operations ng AFP sa Cagayan at Isabela na lubhang naapektuhan ng malawakang pagbaha dahil sa bagyong Ulysses.
Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo, pina-mobilized na ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang lahat ng sea, air and land assets ng AFP na gagamitin sa pagbiyahe ng mga tone-toneladang relief goods, construction materials at mabibigat na engineering equipment patungo sa mga lugar na nawasak dulot ng bagyo.
Magugunitang pinakilos ni MajGen Arnulfo Marcelo Burgos Jr, Commander ng NOLCOM, ang mga aircraft, manpower at rescue equipment sa mga binahang lugar sa Cagayan Valley region.
Nabatid na nagsisimula na rin ang AFP na mag-shift mula disaster response efforts sa Region 2 tungo sa relief operations .
Umaabot sa sampung truckloads ng relief packs para sa libo-libong pamiliya ang naiparating na sa Central luzon maging sa hilagang Luzon partikular sa Cagayan at Isabela provinces.
Paalis na rin ang Philippine Navy’s BRP-Davao del Sur (LD-602) mula Maynila patungong Cagayan’s Sta Ana Port para maghatid ng relief goods. VERLIN RUIZ
Comments are closed.