(Para sa tuloy-tuloy na pagbangon ng Marawi) PAGPAPALAWIG SA ML MULING HINILING

Eduardo del Rosario

INAMIN ng namumuno sa Marawi rehabilitation Task Force na malaki pa rin ang maitutulong ng Batas Militar sa muling pagbangon ng Lungsod mula sa giyerang sumira sa Lungsod.

Dahil dito,  sinabi ni HUDCC Secretary Eduardo del Rosario na sakaling palawigin ang martial law sa Mindanao sa ika-apat na pagkakataon, matutulu­ngan nito ang mga hakbang sa muling pagsasaayos ng Marawi.

Aniya, sa ganitong pamamaraan ay mas mapadadali ang rehabilitasyon dahil maiiwasan ang mga banta na magmumula sa ilang mga teroristang grupo.

Naninindigan si del Rosario na suportado naman ng mayorya ang implementasyon nito kaya walang dahilan para ito ay bawiin.

Gayunpaman, nauna nang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na kung sila ang tatanungin ay wala na silang nakikitang dahilan para muling i-extend ang martial law.

Comments are closed.