(Para tumaas ang morale ng PNP personnel) ACORDA ‘PEPERSONALIN’ ANG MGA TAUHAN

HANDA si Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr. na “babain” at personal na makaharap ang kanyang mga tauhan mula sa pinakamababang ranggo para lamang hikayatin ang mga ito na magtrabaho batay sa mandato ng nasabing organisasyon.

Sa isang panayam, sinabi ni Acorda, bagaman nakaladkad sa kontrobersiya ng ninja cop na pinagmulan sa isyu ng P6.7-B drug haul at pagkaaresto kay dating pulis na si Rodolfo Mayo Jr. nananatiling agresibo ang PNP para tuparin ang kanilang katungkulan bilang law enforcer.

“Well ang pangkalahatang pulis naman is andiyan lang yan. Meron kaming katungkulan, yung pagdating sa aggressiveness tuloy tuloy naman po.” Ayon kay Acorda.

Sinabi pa ng PNP Chief, na plano niiyang kausapin nang harapan ang kanyang mga tauhan at bilang ama ng PNP ay siya mismo ang hihikayat na magtrabaho lang para maitaas ang kanilang morale.

“Yun nga balak ko bumaba para ma encourage talagang ‘yung nararamdaman or nakikita natin na mga setbacks because of the issues, dapat tuloy-tuloy lang ang trabaho at huwag ma-low morale, dagdag pa ni Acorda.

Nilinaw naman ng PNP na hindi lang naman sila nakatutok sa mga kamalian ang kanilang miyembro at ang totoo aniya, sumusunod sila sa kanilang house rule habang nanindigan na isolated o mangilan-ngilan lamang ang mga pagkakamali.

Sa mahigit 228,000 miyembro ng pulisya, mas marami pa rin aniyang matitino na maipagmamalaki ng organisasyon.

“’Yung mga iba kasi may mga sinasabi ang tinututukan natin yung mali. Hindi namanganun, talagang ang kapulisan dapat talaga we go by the book, we inaccordance with the rule of law para hindi magkamali and that is whatI am setting sa ating kapulisan. Alam niyo naman yung mga nakikitang mga pagkakamali mangilan ngilan lang talaga.

Yun nga lang mabiigat itong mga nakaraang kinasangkutan but in totality mas marami pa rinmatitino,” diin pa ni Acorda.
EUNICE CELARIO