“ANG karunungan, kaalaman, at kaligayahan ay ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat ng kinalulugdan niya. Ang makasalana’y pinagtatrabaho niya at pinag-iimpok upang ibigay lamang ito sa gusto niyang pagbigyan.” (Ecclesiastes 2:26).
May isang mahiwagang prinsipyo sa Bibliya; ito ang prinsipyo ng “Lipat-Yaman” (Wealth Transfer). Ang kasipagan ay maganda. Itinuturo ng Diyos na dapat tayong maging masipag para tayo makakain at umunlad sa buhay. Bawal sa Diyos ang tamad. Ang turo ng Diyos, “Ang ayaw magtrabaho ay dapat huwag pakainin.” Subalit bukod sa katuruan tungkol sa kasipagan, itinuturo rin ng Bibliya na kasama sa gantimpala ng Diyos sa mga taong kinalulugdan Niya ay ang lipat-yaman. Ang ibig sabihin nito, kumakayod at nagkakamal ng malaking kayamanan ang mga taong masasama, subalit hindi sila ang gagamit nito; sa halip ay ililipat ito ng Diyos sa kamay ng mga taong matuwid. Samakatuwid, ang taong mabuti ay pinagpapala ng Diyos sa dalawang paraan. Una, pinayayaman siya dahil sa sarili niyang kasipagan. Pangalawa, pinayayaman siya dahil inililipat ng Diyos ang kayamanan ng mga masasama sa kanya.
Ang mahiwagang prinsipyong ito ay ilang ulit na isinalarawan sa Bibliya. Mayroong mga taong tumanggap ng kayamanan na hindi naman sila ang nagpakahirap niyon. Kahalintulad ito ng donasyon na ibinibigay ng mayayamang tao o mana mula sa mga mabubuting magulang na ibinibigay sa kanilang anak. Hindi naman ang anak ang nagpakahirap niyon kundi ang kanyang magulang; subalit pagtanda ng mga magulang, ipinamamana nila ang mga ari-arian nila sa kanilang anak. Sa Bibliya, mababasa nating si Adan ang unang tumanggap ng lipat-yaman. Ang Diyos ay nagtanim ng napakaganda at napakayamang Hardin ng Eden na punom-puno ng tanim at mga hayupan. Inilagay ng Diyos sina Adan at Eba sa harding iyon para maging kanilang tahanan. Hindi nila pinaghirapang gawin ang harding iyon; minana lang nila mula sa mapagmahal na Diyos Ama.
Ang pangalawang halimbawa ay si Noe. Naging napakasama ng sangkatauhan; si Noe lang ang natatanging matuwid na tao. Nang maubos ang pasensiya ng Diyos sa sangkatauhan, ginunaw niya ang mundo sa pamamagitan ng baha at napuksa ang lahat ng mga masasama. Pagkatapos, ipinamana ng Diyos kay Noe ang buong sanlibutan, sampu ng kanyang pamilya.
Pangatlo, binigyan ng Diyos ng lipat-yaman si Abraham. Ipinamana ng Diyos ang lupain ng Canaan (tinatawag na “Pinangakong Lupa”) sa kanya. Nang magkaroon ng taggutom sa lupaing iyon, nakipanirahan si Abraham at ang kanyang asawang si Sarah sa Ehipto. Doon, niregaluhan siya ng hari ng Ehipto ng maraming kawan ng baka, tupa, kamelyo, asno, at pati ginto, pilak, mga alipin, atbp. Bumalik siya sa lupain ng Canaan at nakipanirahan naman sa lupain ni Haring Abimelec. Niregaluhan siya ng haring ito ng maraming kayamanan. Kaya sinabi ng Bibliya na naging ubod ng yaman si Abraham.
Pang-apat na halimbawa, binigyan ng Diyos ng lipat-yaman ang bansang Israel. Dating alipin sila sa Ehipto. Nang magpadala ng maraming salot ang Diyos laban sa mga taga-Ehipto, nag-panic ang mga ito at daliang pinalayas ang mga Israelita. Humingi ang mga Israelita ng mga ari-arian mula sa mga taga-Ehipto. At para lang lumayas na sila nang madali, binigyan sila ng mga taga-Ehipto ng maraming ari-arian. Pagpasok ng mga Israelita sa Ipinangakong Lupa – ang Canaan – nasumpungan nila ang lupain na may maraming malalaki at mayayamang lungsod, bukirin, hardin, sakahan, malawakang tanim ng mga punongkahoy at ‘di mabilang na hayupan, ginto at pilak. Dahil sa kasamaan ng mga Canaanita, pinalayas sila ng Diyos sa lupain at ibinigay ito ng Diyos bilang ari-arian ng bansang Israel.
Marami na rin akong tinanggap na lipat-yaman mula sa Diyos. Ang isang karanasan ko ay ang proyekto ko sa Vientiane, Laos noong Setyembre 1996. Inimbitahan ako ng proyekto ng mga Aleman doon, kasama ang isa pang matandang tagapagsanay na Pilipino. Ang team leader ng proyekto ay isang taga-Canada. Ang kasama kong matandang Pilipino ay suki nang tagapagsanay ng proyektong iyon. Nang makita niyang kumuha ng ibang consultant — ako — marahil ay nagselos siya. Posibleng naramdaman niyang parang nagsasawa na sa kanya ang proyekto. Marahil ay natakot siyang sumikat ako at masapawan siya. Kaya ang ginawa niya, minaneho niya ang proyekto upang sa buong buwang naroroon ako, hindi niya ako pinagturo. Sinarili niya ang pagtuturo at hiningi niyang mag-imbento ako ng mga bagong larong pangnegosyo, na siyang kakayahan ko. Gusto ko sanang magturo sa programa, subalit ayaw niyang pagturuin ako. Ika nga e, binangko niya ako. Kaya ang nangyari, buong buwan akong parang nagpapasarap sa hotel, lumalangoy sa swimming pool, kumakain ng masarap, at nag-iimbento ng mga larong pangnegosyo. Sa mga libreng oras ko, nagbabasa ako ng Bibliya at nanonood ng sine. Pagdating ng Linggo, nagsisimba ako at nagtuturista nang kaunti. Noong huling araw ng programa, pinagsalita ako ng isang oras. Kinabukasan, umuwi na ako ng Pilipinas. Pagdating ng honorarium ko, napakalaking halaga ang ibinayad nila sa akin. Ginamit ito ng pamilya ko sa aming pangangailangan at ipinantayo ko ng bahay-bakasyunan sa Lipa, Batangas. Napakabuti ng Diyos!
vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)
24275 974627I really appreciate your piece of function, Excellent post. 662442
412916 791123Some genuinely nice stuff on this website , I it. 282090
524063 816770Hi there, just became aware of your weblog by way of Google, and located that its truly informative. Ill be grateful if you continue this in future. Lots of men and women will benefit from your writing. Cheers! 587317