IIWAN na ni Brent Paraiso ang University of Santo Tomas sa harap ng kontrobersiya sa pagsasanay umano ng Growling Tigers sa Sorsogon sa gitna ng pandemya.
Ang kaganapang ito ay iniulat ng The Varsitarian, ang official school newspaper ng UST.
Si Paraiso ang ikalawang player na mawawala sa men’s basketball team makaraang alisin si CJ Casino sa lineup.
Si Paraiso ay naglaro para sa UST sa loob lamang ng isang season, kung saan may average siya na 7.2 points, 4.0 rebounds at1.4 assists.
Nauna rito ay naglaro siya ng dalawang taon sa De La Salle University sa ilalim din ni coach Aldin Ayo.
Si Paraiso ay kabilang sa UST players na nagrekamo sa kanilang training conditions sa Sorsogon.
Ang Growling Tigers ay kasalukuyang iniimbestigahan sa posibleng paglabag sa Inter Agency-Task Force protocols laban sa COVID-19.
Comments are closed.