NAMATAY ang isang pulis nang sumalpok ang sinasakyan niyang motorsiklo sa puno sa Barangay Poblacion sa Calintaan, Occidental Mindoro.
Ayon sa Occidental Mindoro Provincial Police Office nasawi sa sakuna si si Ronald Hilario Ani na nakadestino sa Mamburao Municipal Police Station.
Sa binigay na pahayag ni Police Lt.Col. Soc Faltado, public information officer ng Police Regional Office 4B, lulan si Ani ng kanyang motorsiklo at tinatahak ang national highway nang maganap ang sakuna.
Lumitaw sa imbestigasyon na nawalan ng balanse sa minamanehong motorsiko ang biktima pagsapit sa palikong bahagi ng kalsada at sumalpok ito sa puno.
Tumilapon si Ani ng ilang metro dahilan upang magtamo ito ng grabeng pinsala sa katawan at ulo na nagging sanhi ng dagliang kamatayan nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.