PARAMETERS SA MEDIA INDUSTRY, IPINALALATAG

Ron Salo

HINILING ni House Committee on Public Information at Kabayan Rep. Ron Salo na magtakda ng parameters at bisitahin ang ilang mga batas na magpapalakas sa legislative franchises sa media industry.

Giit ni Salo, dapat na samantalahin ang deliberasyon sa ABS-CBN franchise renewal at tingnan na rin ang ibang broadcast industry na kumukuha ng kaparehong pribilehiyo sa Kamara para tulungan ang mga ito na palakasin ang kanilang impact at responsibilidad sa bawat empleyado.

Ilan sa mga ipinalalatag na parameters ay ang pagtiyak na nasusunod ng mga broadcast media outfit ang labor laws and standards, naisusulong ang kapakanan ng mga media workers, at naipo-promote ang Filipino values.

Dagdag pa sa parameters ang pagiging patas sa pagbabalita o paghahatid ng impormas­yon, at abot-kayang political ads upang lahat ng kandidato ay may kakayahang mapakinggan ang kanilang plataporma sa pamamagitan ng media.

Pinasisilip din ang isyu ng contractualization  at kawalan ng security of tenure sa mga broadcast network gayundin ang kawalan ng maayos na benepisyo at insentibo. CONDE BATAC

Comments are closed.