TUMANGGAP na ng mga bagong health worker upang na makatulong sa mga naunang frontline personnel sa pagsasagawa ng mass testing para sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez, ang inisyal na mass testing ay isasagawa sa tatlong testing sites makaraang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang rapid testing kits na dati pang nai-donate sa lungsod ng Parañaque.
Sinabi ng alkalde na ang karagdagang pagtanggap ng mga doctor, nurses, medical technologists at IT personnel ay makatutulong sa City Health Office (CHO) upang makontrol ang pandemic na ito.
Magbubukas din ang lungsod ng isa pang isolation facility na gagamitin kung sakaling tataas ang hindi inaasahang pagdami ng kaso ng COVID-19 dahil na rin sa malawakang pagsasagawa ng naturang mga testing.
Sa panig naman ni City Health Officer Dr. Olga Virtusio, sinabi nito na ang mga rapid tests ay magbibigay daan u pang agad na maihiwalay ang mga posibleng may kaso ng COVID-19 bago pa man ang confirmatory tests na gamit ang PCR testing sa tertiary institution tulad ng RITM.
Sinabi ni Virtucio na mayroong 200 suspect cases sa lungsod at sa inisyal na mass testing pa lamang ay mao-okupa na ang lahat ng mga ito. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.