PARCEL SCAM IBINABALA NG BOC

custom

NAGBABALA ang Bureau of Customs sa publiko laban sa parcel scam o love scam lalo na ngayong papalapit na rin ang Valentine’s Day o Araw ng mga Puso.

Ayon sa BOC, ang parcel o love scam ay modus operandi kung saan tatawag o magpapadala ng text message o email sa isang consignee ng cargoes at parcels para humingi ng pera bilang clearance fees umano upang ma-release ang shipments mula sa BOC-NAIA.

Ginagamit din sa nasabing modus ang pangalan ng ilang opisyal ng BOC-NAIA.

Nilinaw ng BOC-NAIA, na wala itong hinihinging clearance fees o hindi naniningil ng bayad para sa customs duties and taxes sa pamamagitan ng telepono at hindi rin tumatanggap ng bayad sa money remittance centers o personal bank accounts.

Tumatanggap lamang ang BOC-NAIA ng bayad para sa customs duties and taxes sa pamamagitan ng authorized agent banks o BOC cashiers at maglalabas ng official receipt para sa naturang bayad. DWIZ882

Comments are closed.