PARI NA SURVIVOR SA MARAWI SIEGE PUMANAW NA

CBCP-2

LANAO DEL SUR-  NAGDADALAMHATI ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpanaw ng kanilang kasapi na si Fr. Chito Suganob, ang pari na isa sa mga nakaligtas matapos gawing hostage ng Islamist State militants sa Marawi City noong May 2017.

Sa statement ng Episcopal Commission on Culture ng CBCP, nakikiramay sila sa kaanak ng alagad ng Simbahan.

Ang pagpanaw ni Fr. Suganob ay bunsod ng cardiac arrest habang ito ay nasa Cotabato.

“We pray for the repose of Fr. Chito Suganob who passed away this morning in Cotabato due to cardiac arrest. Rest in peace Fr. Chito. Thank you for visiting our PDDM communities,” ayon sa statement ng CBPC.

Si Fr. Chito ay isa sa 200 katao na naging hostage noon ng Islamist State militants.

Makaraan ang apat na buwan na pagkaka-hostage kay Fr. Suganob noong Mayo 2017 ay nailigtas din ito noong Setyembre ng nasabing taon. VERLIN RUIZ

Comments are closed.