BAGAMA’T may offer na mula sa Blackwater, sinabi ni PBA rookie Ray Parks, Jr. na wala pa siyang pinipirmahang kontrata.
Ang second overall pick ay inalok ng Blackwater ng 2-year rookie maximum deal na nagkakahalaga ng P5.4 million sa kabila ng mga ulat na dadalhin siya sa Meralco sa isang 3-team deal.
Ayon kay Parks, matatapos na ang commitment sa San Miguel-Alab Pilipinas sa ABL sa Mayo, na ipinauubaya na lamang niya sa kanyang manager na si Charlie Dy ang usapin.
Si Parks, anak ni 7-time Best Import Bobby Parks, ay naging star player ng 2014 UAAP champion National University at naglaro sa Alabamateur basketball league sa US.
Comments are closed.