PARKS ‘OUT’ SA GAME 2?

ray parks

MAY iniindang strain sa left calf si high-scoring TNT guard Ray Parks at posibleng hindi makapaglaro sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals laban sa Barangay Ginebra sa Miyerkoles.

Lumala ang injury ng 27-year-old guard na una niyang tinamo sa bubble season sa opener ng best-of-seven title series noong Linggo ng gabi kung saan nagwagi ang Kings sa overtime, 100-94.

Nanguna si Parks para sa Tropang Giga na may team-high 20 points, subalit naglaro na halatang iika-ika sa huling bahagi ng game sa Angeles University Foundation gym.

Sa isang statement ay sinabi ng Tropang Giga na ang sophomore player ay “highly-doubtful sa Miyerkoles at umaasang makapaglalaro ito sa Biyernes.”

Nakatakda siyang sumailalim sa ikalawang  medical check up kagabi makaraang lapatan ng lunas para sa injury matapos ang Game 1.

“It’s the same injury,” wika ni TnT physical therapist Dexter Aseron kung saa sinabi niyang kinailangan ni Parks na hindi maglaro sa  eliminations dahll sa parehong strain sa kanyang left calf.

“Sa game pa lang ini-inda na niya, e. Umiika na,” he added, “Matapang lang talaga at nalalaro pa rin niya.”

Comments are closed.