PARKS, PEREZ NANGUNGUNA SA BPC DERBY

Bobby at CJ

SA MALIWANAG na senyales ng pagdating ng bagong stars sa local pro league, bumabandera sina top rookies Bobby Ray Parks ng Blackwater at CJ Perez ng  Columbian Dyip sa stats race sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals.

May iba ring youngsters sa katauhan nina RR Pogoy, Robert Bolick, Matthew Wright, Scottie Thompson, Mac Belo, Javee Mocon at Rashawn McCarthy na nakapasok sa Top 15.

Ngunit hindi rin nawala sina regular contenders Jayson Castro, June Mar Fajardo at Sean Anthony.

Naglalaban naman sa Best Import award sina titleholder Justin Brownlee ng  Barangay Ginebra, Terrence Jones ng TNT KaTropa at Chris McCullough ng San Miguel Beer.

Sa kanyang maiden PBA conference, na­ngunguna si Parks na may 37.2 statistical points per game mula sa averages na 22.1 points, 7.1 rebounds, 3.4 assists, 1.4 steals at 0.5 block, at 80 won-game bonus points.

Pumapangalawa si Perez na may 36.1 SPs. Ang top draft selection ay may maliit na bentahe kay Parks sa points, assists at steals, subalit nakakuha lamang ng 30 won-game bonus points.

Ang Columbian Dyip ace rookie ang scoring leader na may 22.7 points per game.

Pumapangatlo si Castro sa stats race na may 35.1, sumusunod sina Fajardo (33.8) at Pogoy (33.2).

Mahigpit na naglalaban sina Brownlee at Jones para sa Best Import award, subalit malaking banta si McCullough dahil pinapaboran ang kanyang koponan laban sa Rain or Shine para makapasok sa finals.

Si Brownlee ay average na 61.8 SPs laban sa 60.2 ni Jones at sa 53.8 ni  McCullough.

Comments are closed.