SA WAKAS ay dadalhin na ni two-time UAAP at ASEAN Basketball League MVP Ray Parks ang kanyang talento sa PBA.
Isinumite na ng anak ni legendary import Bobby Parks ang kanyang aplikasyon para sa nalalapit na PBA Rookie Draft sa tang-gapan ng liga kahapon.
Si Parks ay sinamahan ni Charlie Dy sa kanyang unang hakbang para matupad ang kanyang pangarap na makapaglaro sa nangungunang pro league sa Asia.
Sa aplikasyon ng 25-anyos na produkto ng National University ay umabot na sa 34 ang kabuuang bilang ng players na lalahok sa Rookie Draft na ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon ay sa Disyembre 3.
Sasali rin sa draft sina high-scoring guard Robert Bolick ng San Beda, highly-sought big man Abu Tratter, triple-double ma-chine Bong Quinto at Letran teammate JP Calvo.
Ang iba pang kilalang players na nagsumite ng kanilang aplikasyon ay sina San Sebastian hotshot Bong Calisaan, MJ Ayaay ng Lyceum, dating UAAP Rookie of the Year Kyles Lao ng UP, Teytey Teodoro ng Jose Rizal College, at Joseph Manlangit ng Centro Escolar.
Nauna rito, pitong Fil-foreign bred players ang nagsumite na rin ng kanilang aplikasyon, sa pangunguna nina dating NCAA MVP CJ Perez at Trevis Jackson.
Ang iba pang Fil-foreign players sa draft ay kinabibilangan nina Robbie Manalang, Matthew Salem, Paul Varilla, at Carlos Isit.
Ang mga kuwalipikadong Fil-foreign aspirants base sa kanilang mga isinumiteng dokumento at eligibility ay ipalalabas ng liga sa Disyembre 3.
Sa Dis. 12 at 13, ang lahat ng applicants ay lalahok sa traditional Draft Combine, bago ipalabas ng liga ang final draft list para sa 44th season nito sa Dis. 14.
Comments are closed.