SUPORTADO ni Senador Win Gatchalian ang hakbang ng administrasyon na parusahan ang mga rice trader at retailer na nag-over price ng bigas sa merkado.
Ayon kay Gatchalian, dapat na maparusahan ang mga taong sinasamantala ang kakulangan sa bigas upang kumita kapalit ng lalong paghihirap ng mga kababayan na mahihirap.
Bukod dito, pabor din ang senador sa plano ng pamahalaan na ipatupad ang SRP program sa buong bansa upang maiwasan ang pang-aabuso sa presyo ng bigas sa pamilihan.
Sa kabila nito, naniniwala naman si Gatchalian na ang pagpataw ng parusa sa mga abusadong rice trader at retailer ay pansamantala lamang.
Aniya, dapat na agad ipasa ang panukalang rice tarrification bilang permanent solution sa pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado. VICKY CERVALES