PASAHE SA JEEP P9 NA

P9

INAPRUBAHAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang provisional P1 fare increase sa public utility jeep (PUJ) sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog.

Mula sa P8 na kasalukuyang pamasahe ay magiging P9 na ito epektibo ngayong hapon kapag nailabas na ang fare matrix.

Ipinatupad ang dagdag-singil sa pasahe dahil sa magkakasunod na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kamakalawa ay humirit ang iba’t ibang transport groups ng P1 provisional fare increase  habang hindi pa nadedesisyunan ng LTFRB ang kanilang petisyon sa taas-pasahe.

Kabilang sa mga grupong humihiling ng pansamantalang dagdag-pasahe ang Alliance of Concerned Transport Organization (Acto), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Land Transportation Organization of the Philippines (LTOP) at Pasang Masda.

Ang petisyon para sa P2 fare hike na inihain ng mga transport group noong Setyembre ay dininig kamakalawa pero hindi pa ito nadesisyunan ng LTFRB.

Comments are closed.