PASAHERO DAGSA NA SA MGA PANTALAN

Pantalan

PITONG araw na lamang bago ang Pasko ay dagsa na ang mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Gayunman, kompiyansa ang Philippine Coast Guard na ligtas ang biyahe ng mga ito kasabay ng pagpapairal ng kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019” na naglalayong maging ligtas ang biyahe ngayong holiday season.

Batay sa monitoring ng PCG, nasa kabuuang 71,179 ang outbound passengers mula alas-6:01 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Miyerkoles , Disyembre 18.

Pinakamaraming nai­talang pasahero sa bahagi ng Central Visayas ang may 14,324 pasahero sa mga pantalan sa Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes.

Sumunod  ang Western Visayas na may 13,682 na pasahero sa bahagi ng Antique, Aklan, Iloilo, Capiz at Guimaras.

Kaisa ang PCG sa pagpapanatili ng zero maritime casualty o anumang insidente ngayong Kapaskuhan.

Gayunman, pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga safety at security mea­sures sa mga pantalan at sasakyang-pandagat para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Dapat din anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibiduwal sa awtoridad, maging sa mga itinalagang DOTr Malasakit Help Desk. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.