CEBU – ANIM na sachet ng shabu ang nahuli sa isang babaeng pasahero sa Muelle Osmeña Port sa Lapu-Lapu City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), nakilala ang naaresto na si Juvenelle Labadan, 49-anyos.
Si Labadan ay nadakip nang magsagawa ng seaport inspection at K9 paneling ang awtoridad alas-5:45 ng hapon.
Ang droga ay tinaya sa halagang P816.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.