NAGING maingay ang isinagawang ‘pasasalamat motorcade’ ng Team Pagbabago nitong Sabado, May 14,2022, na sinamahan ng tinatayang isang libong taga-suporta.
Matapos ang naturang motorcade, nakaaantig ang kaliwat-kanang naging pahayag ng marami mga Manilenyo. Sa puso nila, si Atty. Alex ang kanilang mayor.
Marami sa mga botante sa Maynila ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa naging resulta ng halalan.
Naniniwala sila na umano’y dinaya sila dahil marami umanong nilabag na batas ang katunggali noong nakaraang halalan.
Ayon sa isang eksperto, “statistically improbable” raw ang resulta ng halalan sa Maynila. Marami ring barangay ang nagtataka kung paano nangyari ang bilangan, kung saan umasa sila na mananalo si Atty. Alex Lopez dahil halos silang lahat bumoto pero lima lang daw ang lumabas sa election returns. At marami umanong insidente ng bilihan ng boto ang nangyari.
Ayon sa mga saksi nagkaroon din ng bigayan ng pera at nakunan pa ito ng larawan at video.
Hindi rin aniya maitatanggi na kaliwa’t kanan ang mga isyung hinaharap ng mga katunggali nito sa halalan.
Naniniwala ang mga Manilenyo na may naganap na ‘failure of election’ sa Maynila.
Nitong Martes, nanawagan ang lahat ng partido kay Atty. Lopez na maghain ng reklamo sa COMELEC dahil sa umano’y dayaan.
Hanggang ngayon, hinihintay ng taumbayan ang susunod na hakbang ni Atty. Lopez at umaasa silang agaran din gagawan ng kaukulang aksyon ng COMELEC ang isyung ito.