PASASALAMAT NG PILIPINO MIRROR

edwin eusebio

Laksa-laksang pasasalamat sa inyong lahat

Hatid ng PILIPINO Mirror na inyong tagapag-ulat.

Sa ikaanim na taon nitong pagsusumikap…

Tumatak na sa Isipan ng mga nakabasa at lumingap.

 

Nakatataba ng Puso at nakagagalak…

Aming Anniversary Issue…naging Busilak.

Sa dami ng mga suporta at pagbati na natanggap

PILIPINO Mirror magpapatuloy sa disenteng pamamahayag.

 

Buong pagpapakumbaba na aming tinanggap…

Pagkilala sa mga paghihirap at Pagsusumikap…

Ang Ibalik ang Disenteng Tabloid na sa umaga ay Hanap

Balita ang inilalahad at hindi mga larawang Hubad.

 

Sa diwa at pangarap noon ng Aming ­Patriarka..

Ambassador Antonio Cabangon-Chua..

Makapagtatag ng Pahayagang kakaiba..

PILIPINO Mirror, usaping negosyo ang na­ging Puntirya.

 

Iniwan nito ang mga Balitang Krimen…

Iwinaksi ang Envelopmental Journalism..

Sa Balitang Negosyo ang Sentro ng usapin

Pagpapaunlad sa sarili at negosyo ang ­Linangin

 

Sa simula ay maraming mga pagsubok ang Hinarap

PILIPINO Mirror ay nagpakatatag…

Sa pagsusumikap ng mga Tagapangasiwa at buong Editorial staff

Nagpatuloy ito at ngayon ay namamayagpag.

 

Sa dami ng mga nakibahagi sa aming anniversary issue…

Ano mang kontribusyon ang nagmula po sa inyo…

Sukli namin ay pasasalamat na Todo…

Sa mga susunod pang  taon ay makasama namin kayo.

 

Sa aming mga Bossing na sa min ay nakasubaybay…

Salamat din po sa inyong mga paalala at Gabay..

Boss D.Edgard A Cabangon at Sir T.Anthony na aming karamay

Salamat sa pakikinig sa mga mungkahi at sa inyong pagdamay.

 

Sa aming Punong Patnugot Rey A. Briones..

Katuwang sina Susan Cambri at Ana ­Federigan na mga Best…

Maraming Salamat sa inyong pagtitiis…

Kung paano maitatanghal ang PILIPINO ­Mirror bilang “The Best”

 

Higit sa lahat sa inyo pong aming mga Mambabasa..

Maging sa Hard Copy at sa Internet Media..

Salamat sa inyong pagsubaybay at mga mungkahi pa

ANG PILIPINO MIRROR AY LAGI N’YO PANG MAKAKASAMA.

 

(Si Edwin Eusebio ay araw araw na naririnig sa dwiz 882 am Radio)

Comments are closed.