GOOD day mga kapasada!
Lubhang ikinabahala ng Land Transportation Office (LTO) ang traffic accident na nagaganap sa mga lansangan na nagbubuwis ng maraming buhay.
Isa sa classic example na ibinigay ng LTO ang isang traffic accident na naganap sa Agusan del Sur na kung saan nasawi ang pitong miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang taong gulang na bata bukod sa nawasak na ari-arian (damage to property).
Kaugnay nito, nagpahayag si Atty. Clarence V. Guinto, acting director ng Land Transportation Office Law Inforcement Service (LTO-LES) na muli nilang ilulunsad ang isang intensibong kampanya laban sa mga pasaway na drayber. Ito ay sa utos na rin ni Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante.
KAMPANYA NAKASENTRO SA TRUCK, BUS AT PUV
Binigyang diin ni Chief Galvante na ang kanilang kampanya ay hindi lamang dito sa Kalakhang Maynila manapay nationwide at nakasentro sa paghihigpit sa lahat sa mga truck, buses at public utility vehicles (PUV).
Idinagdag nito na ang LTO-LES ay buong higpit ding pinatindi ang kampanya sa implementasyon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 gayundin ang Republic Act 2016, Anti-Overloading Law and Reckless Driving.
Sa simula, nang kanilang patindihin ang kampanya laban sa mga pasaway na drayber, binanggit ni Galvante na ang magkasanib na puwersa ng mga tauhan ng PNP-HPG Paterol Group at ng LTO-LESS ay nakaaresto ng limang truck ng driver na nagmamaneho samantalang ang mga ito ay nakainom ng alak (driving drunk).
Ang mga naarestong driver ay inimbestigahan at sinampahan ng kaso samantalang ang may-ari ng sasakyan ay inimbitahan naman para tanungin.
BALIKATANG PAGPAPATUPAD NG KAMPANYA
Mahigpit naman ang naging aksiyon sa pagpapatupad ng ahensiya ng kautusan mula kina Secretary Arthur Tugade at Galvante upang maiwasan ang ibayong road accidents na naging mitsa ng pagkasawi ng mga inosenteng sibilyan, pahayag ni Guinto.
Kabuntot nito, bukod sa actions sa pakikipagbalikatan sa mga kabalikat na ahensiya ng pamahalaan, nagsasagawa rin ng seminar at iba pang intensi-bong pagpapakalat ng impormasyon ang lahat ng regional at district officers ng ahensiya bukod sa mga pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.
BALIKATANG RANDOM MEDICAL AT DRUG TESTING
Upang mabigyan ng maaliwalas na kaganapan ang paghihigpit at pagpapatupad ng programa para sa kanilang “ALWAYS THINK: SAFETY FIRST”, nakipagtulungan din sa mga may-ari ng truck at bus owners gayundin sa mga operator sa pagsasagawa ng ramdom medical and drug testing upang makatiyak na ang kanilang mga drayber ay may bukas na kaisipan at maiiwasan ang hindi inaasahang aksidente sa lansangan na ‘di inaasahan.
Ang naturang programa na kanilang itinambal sa kanilang paghihigpit para sa kapakanang pangkaligtasan ay nagkaroon ng kaaya-ayang kinahinatnan at ang mga drayber at iba pang mga may kaugnayan sa operasyon ng transportasyon na lumitaw na positibo sa medical testing ay kagyat na gumawa ng aksiyon laban sa mga drayber na positibong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o iba pang kauring bawal na substances ayon pa kay Guinto.
UTOS NG PANGULO SA MMDA UMANI NG PAPURI
Umani ng papuri ang utos ng pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na maging tapat at handa ito na pagkalooban ng escort ang emergency vehicles, partikular ang mga ambulansiya na naiipit sa buhol ng trapik.
Magugunita na ipinahayag noon ni Pangulong Duterte na hihilingin niya sa MMDA at sa Highway Patrol Group (HPG) na pagkalooban at gabayan ang mga ambulansiya na maghahatid ng pasyente sa mga pagamutan na naiipit sa buhol ng trapik upang makatiyak na makakarating kaagad ito at mabibigyan kaagad ng kagyat na medical attention.
Ipinangako naman ni MMDA chairman Danilo Lim na kung dumating ang pangangailangan, nakahanda naman ang motorcycle-riding traffic enforcers na madaling tutugon upang makarating sa pagamutan ang mga pasyenteng nasa malubhang kalagayan.
Idinagdag nito na maging ang mga on-ground traffic enforcers ay puwede ring umasiste sa ambulansiya sa pamamagitan ng traffic on the road congested sa pamamagitan ng mga sasakyan o kung ang mga motorista ay tumangging magkaloob sa mga ambulansya na nangangailangan ng kagyat na pagkakataong makarating sa pagamutan para mabigyan nang kagyat na medical attention ang pasyente.
ANGKAS MC RIDER BALIK-LANSANGAN
Ipinagbunyi ng mga miyembro ng MC Angkas rider ang kanilang muling pagbabalik sa lansangan upang maipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay sa pamamagitan ng matipid, mabilis na pagkakaloob ng ekonomikong pasahe sa mga mananakayang nangangailangan ng kanilang serbisyo.
Ibinulalas ng mga benepisyaryo nito ang kanilang pasasalamat sa muling paggulong ng Angkas sa lansangan matapos ihayag nitong ilang linggong nakaraan ng House Committee on transportation na nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr), ang Technical Working Group (TWG) at ang motorcycle taxi companies na ipagpatuloy ang pilot run test hanggang buwan ng Marso ng kasalukuyang taon.
Gayundin, ikinalugod ng MC Riding Angkas na bukod sa pagpapalawig ng kanilang test run, ang riders cap ay pinalago hanggang 45,000 mula sa dating 30,000 kasapian para sa Kalakhang Maynila.
Kasama rin sa kasunduan ang pagsasama sa Cagayan de Oro bilang isa sa mga pook na sakop ng pilot run na dati ay inilaan lamang sa Kalakhang Maynila at sa Cebu.
Ang pahayag ay ginawa matapos maganap ng House committee on transportation sa pamumuno ni Samar Rep. Eedgar Mary Sarmiento, ang isang executive session with the committee members, at ng tatlong kompanya ng motorcycle taksi.
BLUEPRINT NG KASUNDUAN UNANG TINALAKAY
Samantala, inihayag naman ni Sarmiento na masusing tinalakay muna ng kanilang grupo ang blueprint ng kasunduan bago ang kanilang pakikipag-pulong sa pagitan ng DOTr at TWG, Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at sa mga kompanya ng motorcycle taxi.
Ayon kay Sarmiento, tiniyak muna nila na ang magiging resulta ng kasunduan ay talaga para sa kabutihan ng mamamayan, mananakayan at doon sa tatlong kompanya na kasama sa pilot testing, diin ni Sarmiento.
Sa naging kasunduan, lubos namang pinasalamatan ni Angkas Chief Advocate George Royeca ang working group, “We are very grateful to Sec. Tugade at kay Rep. Sarmiento for mediating for the impase settlement.”
Ayon kay Royeca, lubos ang kanyang kasiyahan na ang lahat ngsangkot ngayon sa test run ay magkakaroon ng balikatang pagsisikap para sa nagkakaisang layunin.
Binanggit pa ni Royeca na ang pagpapatuloy ng test run sa pagitan ng Angkas at ng dalawa pang ibang players ay napagkasunduan sa pagitan ng working group, DOTr, LTFRB at ng TWG ay isang napakahalagang tagumpay para sa Filipinas, partikular para sa mga mananakayang mamamayan at sa mga biker ng tatlong motorcycle taxi companies.
Samantala, ipinaabot din ni Royeca sa kanyang special mention ang pasasalamat sa Senate Committee on public services, sa pangunguna ni Sen. Grace Poe, at sa tulong nina Sen. Ralph Recto, Sen. Win Gatchalian, Sen. Imee Marcos, Sen. Joel Villanueva at iba pang mga senador na nakitalamitam mula sa simula na naniniwala sa kahalaganan ng motorcycle taxi sa kaluwagang maidudulot nito para sa ating mananakayang mamamayan, gayundin ang labis na pasasalamat kay Sen. Bongo na humiling sa Pangulong Duterte na muling maging on the go sa lansangan ang Motorcycle taxi.
LAGING TATANDAAN: Mag-ingat na mabuti upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.