PASAWAY SA HEALTH PROTOCOLS SA IMMIGRATION PARURUSAHAN

Jaime Morente

NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na paparusahan nila ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan na sumusuway sa health at safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente matapos na makatanggap ng mga ulat na may ilan na liaison officers sa BI accredited travel agencies at law offices na sumusuway sa protocol at hindi dumadaan sa disinfection chamber  bago pumasok sa kanilang tanggapan.

Bukod pa sa ilang empleyado na hindi nagsusuot ng face masks, face shield at hindi sumusunod sa  social distancing.

Inaprubahan ni Morente ang rekomendasyon ng BI Administrative Division na pagbabawalan ng dalawang Linggo ang sinumang travel agent o law office representative na pumasok sa nasabing tanggapan na hindi dumadaan sa disinfection chambers habang sasampahan naman ng administratibo ang sinumang regular employees na hindi nagsusuot ng wear face mask, face shield, at hindi sumusunod sa social distancing, gayundin ang mga nag-office hopping.

Sususpendihin din ng dalawang Linggo ang kanilang business ang sinumang empleyado ng mga concessionaires sa loob kung hindi susunod sa patakaran. PAUL ROLDAN

Comments are closed.