PASAWAY SA SOCIAL DISTANCING YAYANTUKIN NG MGA PULIS

yantok

SUSUNOD ang Philippine National Police (PNP) sa mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit ng yantok para sawayin ang mga social distancing violator.

Ito ang inanunsyo ni PNP Deputy Chief for Operations at JTF COVID Shield Commander, Lt. Gen. Cesar Hawthorn Binag at sinabing mas mahaba kasi ang yantok kaysa batuta na gamit ng mga pulis.

Paglilinaw naman ni Binag na sa halip na kamay at baton sa pagsisiyasat sa mga sibilyan, mas mabuting yantok para makasunod sa konsepto ng social distancing.

Paglilinaw naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, hindi gagamitin sa pamamalo ang yantok kundi sa pagsisiyasat.

Gayunpaman, kapag nagkaroon ng resistance sa indibidwal ay maaaring magamit ang yantok sa pagbibigay ng warning kaysa baril na mas magiging bayolente.

Paalala naman ni Binag na nananatili ang kuwarantina kaya sumunod sa health protocols gaya ng social distancing, gumamit  ng face mask, face shield at laging maglinis ng kamay.           EUNICE CELARIO

Comments are closed.