Pasay City gov’t humiling ng karagdagang quarantine facility sa MMDA

HIMILING ng karagdagang quarantine facility sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pamahalaang lungsod ng Pasay dahil ang kasalukuyang apat na pasilidad na ginagamit bilang quarantine sa lungsod ay nakamit na ang full capacity ng mga ito.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang quarantine facility na matatagpuan sa Cultural Center of the Philippines (CCP) complex na may 60 bed capacity ay isang kama na lamang ang nababakante habang ang Mall of Asia (MoA) na mayroong kapasidad na 132 na kama ay tatlo na lang ang hindi pa naookupa.

Samantala, ang Padre Burgos Elementary School (PBES) na may kapasidad na 44 kama at ang Folk Arts Theater (FAT) na kayang tumanggap ng 97 pasyente ay puno na ang kanilang kapasidad.

Humihingi na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa Oplan Kalinga ng MMDA para sa karagdagang quarantine facility dahil ang kanilang nag-iisang pampublikong ospital na Pasay City General Hospital (PCGH) ay nakamit na rin ang full capacity nito.

Base sa report na sinumite sa kanya ni Dr. Jonvic De Gracia, PCGH officer-in-charge, sa kabila ng ang kanilang ospital na may kapasidad lamang na 32 pasyente ay mayroon na silang tinanggap na 34 na pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 na katumbas ng 107% capacity simula alas 7:00 ng umaga kahapon (Marso 23).

Sa 34 na pasyente na nagpositibo sa COVID-19 ang naturang ospital ay sinabi ni Calixto-Rubiano na 8 sa mga ito ay nasa kritikal na kalagayan habang ang 26 naman ay nasa kategorya ng ‘moderate’ na walang naiulat na mortality samantalang mayroon pang dalawang COVID-19 patients na nasa transition room at naghihintay na lamang na mailipat sa kumpirmadong ward.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang PCGH ay mayroong kapasidad na 20 kama sa transition room kung saan 12 kama dito ay okupado na o katumbas ng 60% occupancy.

Kasama na rin sa plano ng naturing ospital, ang pagdaragdag ng kapasidad para sa mga pasyente ng COVID-19 habang ang emergency room entrance ay lagi namang bukas para sa mga pasyente na hindi nahawahan ng COVID-19. Marivic Fernandez

2 thoughts on “Pasay City gov’t humiling ng karagdagang quarantine facility sa MMDA”

  1. 851862 406638you are in point of fact a great webmaster. The site loading velocity is amazing. It seems that youre performing any distinctive trick. In addition, The contents are masterpiece. youve done an excellent activity on this topic! 702342

Comments are closed.