PINABULAANAN ni Mayor Vico Sotto ang kumakalat na balita na kumpirmado na nakapasok na ‘di umano ang novel coronavirus (nCoV) sa Rizal Medical Center at sa Pasig City General Hospital.
“May gumagawa ng fake news tungkol dito, so far zero cases tayo pati ‘yung persons under investigation,” ayon sa alkalde.
Ayon kay Sotto kung sakaling mayroon ng cases ng nCoV sa kanyang lugar ay handa sila at preparado upang sugpuin ang nasabing deadly virus.
Nag-set up na rin ng quarantine tent sa siyudad na pinamahalaan ng Pasig City General Hospital sa mga tao na nagpapakita ng flu symtoms.
Sa aniya ay patuloy ang paghahanda ng mga hospital at may quarantine area habang sumusunod din sila sa DOH-prescribed na protocol.
Aniya hindi sya namigay ng mga face mask sa kanyang constituents dahil ayon sa World Health Organization.
Hindi umano inererekomenda na isuot ito ng mga taong maayos ang kalusugan.
Comments are closed.