PASIG, QC AT MAYNILA: TOP 3 SA NCR PERFORMANCE RATING SURVEY NCR MAYOR COVID-19

survey

LUMITAW sa NCR MAYOR COVID-19 Performance Survey na isinagawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) na ang Pasig City, Quezon City, Manila, Marikina City at Valenzuela City ang nakakuha ng pinakamataas na approval ratings sa mga local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) pagda­ting sa kanilang job performance sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Batay sa survey, 86% ng Pasig residents ang nag-apruba sa pamamaraan ng kanilang alkalde at City Government sa pag-gawa ng mga pamamaraan para labanan ang COVID-19 pandemic.

Ang ikalawa sa limang may pinakamataas na job approval ratings na naitala mula sa kanilang mga residente ay ang Que­zon City (80%), Maynila (78%), Marikina (74%), at Valenzuela (72%).

Ang mga alkalde ng top-performing Local Government Units, na ang mga pangalan ay nakasama sa survey forms na sinagutan ng mga respondents, ay sina Vico Sotto (Pasig), Joy Belmonte (Quezon City), Isko Moreno Domagoso (Manila), Marcy Teodoro (Marikina), at Rex Gatchalian (Valenzuela).

“The survey was conducted with the intention to reassess the efforts done by the Local Government Units and its officials amidst the Corona Virus pandemic. The public’s reactions towards the leadership, management of local chief execu-tives. Assessment of the effectiveness of the following initiatives: security and public order; welfare of residents through relief goods, financial assistance & distribution; establishment of health protocols & security measures in the city; food security (hoarding prevention; supply of basic necessities & monitoring of prices); efficiency of the efforts being implemented,” ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMDinc.

Samantala, naitala naman ang lowest approval ratings sa mga lungsod ng Pasay City (25 percent), Las Piñas City (26 per-cent) at Malabon City (27 percent).

Ang independent non-commissioned survey na idinaos ng RP- Mission and Development Foundation Inc. ay gumamit ng face-to-face interviews at may kabuuang 3,000 respondents upang bigyan ng grado ang performance ng kani-kanilang alkalde at city governments.

Ang respondents ng mga survey na isinagawa mula Hunyo 10 hanggang 15, 2020 ay pawang rehistradong botante at la-hat ay residente ng Metro Manila, na nagkaka-edad ng 18 – 70-anyos.

Sila ay ‘randomly chosen’ o sapalarang pi­nili at ang bilang ng mga respondents kada lungsod ay ipinamahagi ng propor­s­yonal base sa kanilang official population data. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.