PASIG RIVER FERRY BALIK-OPS

PASIG RIVER FERRY

BALIK-OPERASYON na ang Pasig River Ferry Service (PRFS) simu­la sa Lunes, Agosto 3, kung saan libre pa rin ito sa mga commuter, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“We are pleased to announce that everything is set for the partial resumption of the PRFS but only half of its capacity, inclusive of ferry boat crew. Also, we will continue to provide free rides for the ferry passengers,” wika ni MMDA Chairman Danilo Lim.

Kabilang sa inisyal na mag-o-operate sa Lunes ang mga ferry station sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton at Escolta.

Anim na araw ang operasyon mula Lunes hanggang Sabado, simula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, pero binawasan o 50 porsiyento lang ng kapasidad nito ang dapat na sakay ng bawat ferry boat, alinsunod sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang ruta lamang na gagana ay ang Pinagbuhatan patungong Guadalupe, Guadalupe patungong Escolta at vice versa, at Guadalupe patungong San Joaquin at vice versa.

“We look forward to serving our passengers, compliant with the physical distancing policy and other health protocols to ensure their safety,” anang MMDA chief.

Lahat ng ferry stations at ferry boats, docking at maintenance facilities ay isinailalim na sa mandatory disinfection.

Naglagay na rin ng markings sa sahig, stickers at posters sa mga ferry station para gabayan ang mga pasahero sa ipinatutupad na physical distancing.

Ayon naman kay Frisco San Juan, Jr., MMDA Deputy Chairman at ferry service head, itinakda na rin ang standard operating procedures ng PRFS committee para sa karagdagang health protocols, kabilang ang ‘no mask, no entry’ at physical distancing.

Ang mga pasaherong may sipon, ubo o temperature na higit 37.5 degrees Celsius ay hindi papayagang pumasok sa PRFS premises at ang mga may edad lamang na 21-59 ang makasasakay sa ferry boats.

Sa pagpasok pa lang ay kukuhanan na ng body temperature ang pasahero at magpi-fill out ng manifest form at information sheet na gagamitin sa contact tracing kung kakailanganin.

“We will strictly implement these precautionary measures to ensure the safety of passengers. Personnel of PRFS can deny entry at the ferry station if a passenger refused to undergo those procedures,” ani San Juan.

Matatandaan na sinuspinde noong Marso 17, 2020 ang operas­­y­on ng PRFS kasunod ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).     LIZA SORIANO

Comments are closed.