BULACAN- NATAGPUAN na ng mga rescuer ang katawan ng 10-anyos na batang lalaki na nalunod sa malalim na bahagi ng ilog ng Brgy, San Agustin sa bayan ng San Miguel sa lalawigang ito.
Base sa inisyal na report ng mga awtoridad, dakong alas-2 nitong Huwebes nang malunod ang biktimang si Rodney Pangilinan De Leon Jr. ng Sitio Apalit Brgy, Tigpalas sa naturang lugar.
Ayon sa San Miguel Rescue, nakita ang labi ng paslit ganap na alas-8:13 ng umaga sa bahagi San Agustin River.
Samantala nagpaabot naman ng pakikiramay ang Sangguniang Bayan ng San Miguel sa pamilya ng bata. THONY ARCENAL