HANGGANG alas-12 ng tanghali na lamang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Miyerkoles Santo Abril 5.
Ang kautusan ay nakasaad sa Memorandum Circular No. 16 na may petsang Marso 31, 2023 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
“To provide government employees full opportunity to properly observe 06-07 April 2023, regular holidays, and to allow them to travel to and from the different regions in the country, work in government offices on 05 April 2023 is hereby suspended from 12:00 o’clock in the afternoon onwards,” sabi pa sa memorandum.
Samantala, hindi saklaw ng kautusan ang mga tanggapan ng gobyerno na ang pangunahing tungkulin ay maghatid ng pangunahing serbisyo kabilang ang health services, preparedness/ response to disasters and calamities at iba pang vital at necessary services.
Nasa desisyon naman ng mga employers sa mga pribadong sektor ang pagpapasya kung magpapatupad din sila ng kaparehas na kautusan na pauwiin nang mas maaga ang kanilang mga trabahador.
EVELYN QUIROZ