PASSENGER CAPACITY NG MRT-3 TATAASAN, GAGAWIN NANG 30% SIMULA BUKAS

MRT-3-7

MAS maraming commuters ang maisasakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) simula bukas, Okt. 19, dahil itataas na ang passenger capacity ng tren sa 30 porsiyento.

Sa isang statement, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na makapagsasakay na sila ng hindi bababa sa 124 pasahero kada train car o 372 sa isang train set.

Sa kasalukuyan, ang maximum passenger capacity sa MRT-3 ay 13 porsiyento o katumbas ng 51 pasahero kada train car o 153 kada train set.

“We will do this to help transport more people. In addition to increasing our train capacity, our passengers can also expect more trains to be deployed along the mainline, shorter waiting time, and faster travel time,” pahayag ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati.

“This is part of the Department of Transportation (DOTr) and MRT-3’s commitment to provide a more efficient and improved service to our passengers,” dagdag pa niya.

Nauna nang inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang  railway sector na dagdagan ang passenger capacity upang dumami pa ang ma-accommodate na commuters.

Alinsunod ito sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete na aprubahan ang rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) na luwagan ang public transport para sa economic recovery.

Upang matiyak ang mas mabilis na biyahe at mabawasan ang train headway, sinabi ng MRT-3 na patuloy ang kanilang pagtatrabaho para sa deployment ng mga karagdagang train sets.

“In addition to increasing our train capacity, our passengers can also expect more trains to be deployed along the mainline, shorter waiting time, and faster travel time,” ayon kay Capati.

“The increase in train capacity is a timely boost for the MRT-3, as the public demands higher number of public transportation in the midst of the COVID-19 pandemic,” dagdag pa niya.

Ang operating speed ng MRT ay inaasahang unti-unting tataas mula 40 kph sa Oktubre sa  50 kph sa Nobyembre at 60 kph sa Disyembre.

Comments are closed.