QUEZON CITY– NADAKIP ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa umanong pastor makaraang makasamsam ng ilang pakete ng ilegal na droga sa ikinasang anti-illegal drug at anti-criminality operations sa naturang lungsod.
Ayon kay QCPD Chief Brig Gen Joselito Esquivel Jr., matapos ikasa ng mga tauhan ng Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao sa pakikipagtulungan ng PDEA-RO NCR naaresto sa joint buy bust operation ang suspek na si alyas Jim, 49-anyos, ng Cainta, Rizal, bandang alas-11:30 ng hapon, Mayo 24, 2019, sa kahabaan ng Oxford St. malapit sa kanto ng Aurora Blvd., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.
Nakuha mula sa suspek ang may 10 pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalagang P5,000.00, at ang buy bust money kabilang na rin ang motorsiklo na ginamit sa transaksiyon.
Napag-alaman din na si Jim ay isang preacher at lay minister ng isang religious sector sa Quezon City.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa ilegal na droga o RA 9165 sa ilalim ng Sec. 5 o Comprehensive Drugs Act of 2002. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.