ITINAKDA na ang pasukan para sa susunod na school year sa Agosto 24, 2020, dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ito ang inianunsiyo Department of Education (DepEd) kahapon.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang petsa ng pagsisimula ng klase ay ibinase sa konsultasyon sa mga stakeholder at sa isinagawang survey na nilahukan ng 700,000 respondents.
“Ang napili nating school opening date ay August 24,” pahayag ni Briones sa televised Laging Handa public briefing.
Ipinaliwanag ng kalihim na hindi ito nangangahulugan na magtutungo nang personal ang mga estudyante sa eskuwelahan, kundi maaring ang klase ay isagawa sa pamamagitan ng virtual o online sa ibang lugar.
Itinakda ang pagtatapos ng school year sa Abril 30, 2021.
Comments are closed.