PASUKAN SA AGOSTO 24 APRUB SA IATF

SPOKESPERSON HARRY ROQUE

INAPRUBAHAN  na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang inirekomendang petsa ng pasukan sa Agosto ng  Department of Education (DepEd).

Kasunod nito, sinabi ni Presidential Spokeserson Harry Roque na tuloy na ang pagbubukas ng klase para sa elementarya at high school sa Agosto 24.

Ayon kay Roque, maaari namang piliin ng mga pribadong paaralan na mas maagang magbukas ng klase pero kina-kailangan munang gumamit ng ibang paraan sa pagtuturo tulad ng online classes at home schooling.

Samantala, mananatili namang suspendido lahat ng mga extra curricular activities sa mga paaralan na magreresulta sa mga pagtitipon-tipon ng maraming tao.

Kamakailan ay kinontra ng  Teachers Dignity Coalition (TDC)  ang pagbabalik-eskuwela sa Agosto dahil sa umano’y maaring suliranin sa online learning set-up gayundin ang patuloy na banta ng coronavirus disease.

Pahayag ni TDC National President Benjo Basas, dagdag na  alalahanin  ang connectivity, gadgets at modules sa online na pagtuturo.

Kahit aniya online o physical  na pag-aaral ay maaring mahirapan ang mga mag-aaral dahil hindi naman lahat ay may gadgets o laptop.

Ayon naman kay  ni DepEd Secretary Leonor Briones, enhanced o general community quarantine man ang ipatupad sa maraming lugar ay tuloy ang online o ang  virtual classes sa Agosto 24.

Ipinatawag ni Briones ang mga guro para paghandaan na ang klase na biglang nahinto nitong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.

Comments are closed.