PASYENTE SA SAN LAZARO HOSPITAL PATAY SA PNEUMONIA

San Lazaro Hospital

ISANG Chinese national na inoobserbahan sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa posibleng no­vel coronavirus (nCoV) infection ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na binawian na ng buhay.

Ayon kay Dr. Edmundo Lopez, director ng San Lazaro Hospital, dakong 7:00 ng umaga nang mamatay ang 29-anyos na pasyente na mula sa Yunnan, China.

Na-admit sa pagamutan ang pas­yente noong Lunes dahil sa posibleng nCoV case.

Gayunman, paglilinaw ni Lopez hindi pa kumpirmado kung nCoV nga ang ikinamatay ng biktima, na marami pang karamdaman.

“Around 7:00 a.m. we have a person under investigation who expired. Hindi pa confirmed for nCoV,” ani Lopez.

Lumitaw rin  sa sa kanilang pagsusuri na pneumonia ang ikinasawi ng biktima, na dalawang ulit ring nagpositibo sa HIV screening test na isinagawa dito.

Patuloy pa rin naman aniya ang pagsusuri sa specimen ng pasyente sa posibleng nCoV infection. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.