KAILAN lang, nagdeklara ang World Health Organization na hindi na maikokonsiderang public health emergency sa buong mundo ang COVID-19.
Tayo namang mga tao,halos magdiwang. Natuwa na sa wakas, wala na tayong inaalalang karamdaman. Itong karamdamang ito, nagpahirap sa tao – hindi lang sa asp tong pangkalusugan, kundi maging sa usapang pangkabuhayan. Marami ang mga trabahong nagsara, marami ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay.
Hinding-hindi natin malilimutan na isa tayo sa mga lubhang tinamaan ng karamdamang ito noong 2020. HIndi natin maiwasang matakot noon dahil sino nga ba naman ang hindi mag-iisip? Napakaraming pumanaw dahil sa COVID-19. Masasabi nating kahit paano, masuwerte pa rin tayong nakaligtas sa karamdamang ito. At malaki ang pagpapasalamat natin sa Diyos na ang inyong lingkod ay Kanyang ginabayan. Masuwerte rin ako dahil sa aking supportive family, sa aking maybahay, sa aking ina at mga kapatid at siyempre, sa mga kai- bigang regular na nangungumusta at dumadalangin sa aking agarang paggaling.
Pero ang lahat ng ito, ipagpasalamat din natin nang malaki sa mga nagbubuwis-buhay nating doktor, nurses at iba pang frontline health workers.
Hindi nila inalintana ang panganib, makapagligtas lang ng buhay. Sila ang mga bayani ng ating henerasyon. Selfless — punum-puno ng malasakit sa mamamayan. Maraming, maraming salamat sa inyo.
Kaugnay sa pahayag ng WHO na tapos na ang tinatawag na emergency status sa buong mundo sa usapin ng COVID, nagpaliwanag ang ating Department of Health, sa pangunguna ni DOH OIC Ma. Rosario Vergeire na bagaman nagpahayag ng ganoon ang WHO, hindi pa rin tayo dapat maging kampante.
Ang ginawa lang, aniya, ng WHO ay baklasin ang “health emergency status” sa pandaigdigang estado, pero hindi nangangahulugang tapos na ang pandemya. Hindi po sinabing ‘COVID pandemic is over’. Iba po ‘yan kaysa sa sinabing inalis ang public health emergency status.
Kung sabagay, nakababangon na ang ating ekonomiya kahit paano — at may mga bansa nang balik-sigla na ang kabuhayan nila. Dito sa atin, makikita naman ninyo na bukas na ang mga establisi- miyento, regular o normal na ulit ang operasyon ng mga sangay ng gobyerno, ng mga paaralan, ng transportasyon, turismo atbp.
Ibig sabihin, balik-normal na nga talaga. Sa usaping turismo (na kinokonsiderang isa sa bumubuhay sa ekonomiya ng isang bansa), mula Enero hanggang Marso ngayong taon, nakapagtala ang Department of Tourism ng mahigit 1 milyong tour- ist arrivals. Sabi nga nila, unang bagsak iyan para maabot ang year-end target nilang 4.8 million arrivals.
Noong isang taon kasi, pumalo ang tourist arrivals natin sa 2.65 milyon kung saan kumita ang turismo ng higit P200 bilyon.
Maganda kahit paunti-unti na bumaban- gon tayo. At least, bumabangon. Pero sana lang, h’wag pa rin tayong mag- papakampante. Hindi pa po tapos ang pandemya. Hindi pa po tapos ang COVID.
Kung nakikita o nababali- taan ninyo sa mga pahayag, telebisyon at sa social me- dia, napakabilis na naman ng pagtaas ng bilang ng mga COVID infected Pi- noys.
Nung nakaraang linggo lang, nag-ulat ang DOH na halos 13,000 kaso na naman ng COVID infections ang kanilang naitala. Ibig sabihin, tumaas ng 31% ang daily infections.
Mabilis po, mga kababayan. At nakalulungkot, nitong huling araw, umabot na sa halos 16,000 ang infected cases.
Pinakamataas pong bilang ‘yan mula Enero ngayong taon. Ang ICU utilization rate, ayon sa DOH, umabot na sa 18.8
percent, habang ang mga non-ICU utilization rate, nasa 21.7%. Pinakamataas ang bilang ng mga infected sa NCR, sinundan ng Cal- abarzon, Central Luzon, Western Visayas at Bicol.
Lumalabas, base sa pahayag ng OCTA Research Group na ang omicron subvariant na Arcturus ang posibleng dahilan ng napakabilis ng pagdami ng COVID cases sa kasalu- kuyan. Ito po kasing variant na ito, nakakalusot daw sa ating immunity system at mas malakas makahawa. Gayunman, naniniwala ang OCTA na sa kabila nito, maaaring hindi natin muling sapitin ang critical levels sa health care utilization.
Sana nga. Let’s keep our fingers crossed. Lahat tayo, saksi sa pahirap na ginawa sa atin ng COVID, may tatlong taon na ang nakararaan. ‘Yun ‘yung mga panahong kulang pa ang kaalaman ng karamihan sa panganib ng COVID kaya dumami ang bilang ng mga apektado at mga namatay sa iba’t ibang sulok ng daigdig.
Sa ngayon, sana ay na- tuto tayo. Hindi na natin kakayanin pa kung mauu- lit ang mga panahong ‘yun — hindi na kakayanin pa ng ating bansa – ng ating ekonomiya at ng vulnerable sectors.
Ituloy lang po natin ang pag-iingat. Wala naman pong mawawala sa atin kung palagi lang tayong magsuot ng face mask, maging malinis sa katawan, maging mapagmatyag at huwag manatili sa mga lugar kung saan siksikan ang mga tao. Wala pong masama kung patuloy tayong sumunod sa health protocols. Para po sa ikabubuti nating lahat ito.