MARAMI ang nakapupuna na tila nadaragdagan ang timbang ni Pauleen Luna Sotto, unti-unti na siyang tumataba. Marami tuloy ang nagtatanong kung buntis nga ba ulit si Pauleen. Matakaw siyang kumain ngayon at sa milktea daw pinaglilihi ang second baby ni Pauleen at Bossing Vic Sotto.
Ani ni Pauleen, napapadalas daw ang pagkain niya ng milktea dahil ito ang pinagkakaabalahang negosyo nila ng mister na si bossing Vic, na matatagpuan sa Festival Mall sa Alabang, Muntinlupa, kaya lagi raw nakikitang kumakain si Pauleen.
Pagdating naman sa pagbubuntis, aminado si Pauleen na ang Christmas wish niya ay magkaroon na ng kapatid ang anak nilang si Tali. Reding redi na raw muling magka-baby si Pauleen at mabigyan ng kapatid si Tali. At kung si Pauleen ang masusunod ay nais niyang sa 2020 ay magdalantao na muli siya. I’m sure kakaririn nilang mag-asawa ang second baby nila this 2020.
LJ REYES NAMI-MISS NA SA TV AT MOVIES
MARAMI na ang nakaka-miss sa young actress na si LJ Reyes pagdating sa pelikula at telebisyon. Kung dati-rati ay halos kada taon ay lagi napanonood sa pelikula o sa telebisyon via teleserye itong si LJ, nitong 2019 ay halos hindi na aktibo si LJ both in TV and movies.
Simula kasi ng nagsilang si LJ ng anak nila ng partner na si Paolo Contis ay tutok na sa pagiging ina si LJ at totally nag-lie low sa showbiz world. Maging sa personal na aktibidades ni LJ ay wala na rin siyang oras para sa sarili. Kaya nga ba nang matanong kung ano ang Chrismas wish ni LJ, isang simpleng makaligo lang ng walang istorbo at dire-diretso.
Say ng young actress/mother, kahit sa kanyang paliligo ay nagmamadali siya para personal na maasikaso ang mga anak kahit sabihin pa na may mga yaya ang mga ito. Masyado raw close sa kanya ang panganay na anak at breastfeeding naman siya sa bunso.