MUNTIK na palang maging more than friends sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino dahil nag-date pala sila noong panahong hindi pa sina Janine at Rayver Cruz.
Ayon kay Paulo, alam niyang itatanggi na naman siya ni Janine, pero lumabas na umano sila dati, hindi lang nauwi sa relasyon.
Kung pareho lang daw silang single ni Janine, pwedeng maging sila.
Fortunately, hindi naman itinanggi ni Janine na nag-date sila minsan.
“Excuse me, never ko dineny. Si Paulo lang ‘yung walang sinasabi,” paglilinaw niya.
Nilinaw rin ni Avelino na iba ang sinabi ni Janine na nag-date sila.
“Sinabi ko, nag-date kami ni Janine dati tapos sabi niya, ‘Hindi ah, nag-hang out lang tayo.’ So parang nasaktan ako kasi hang out lang pala yung dalawang beses tayo lumabas,” sabi pa niya.
Liban sa pakikipag-date niya dati kay Janine, binanggit din ni Paulo ang tambalan nila sa “Marry Me, Marry You” na tinatanggap naman ng mga manonood. Nagpapasalamat daw siya sa mga fans dahil nakita nila ang magandang chemistry nila.
Ang “Marry Me, Marry You” ay isang romantic comedy series na bida sina Paulo at Janine.
Kasama rin dito sina Jake Ejercito, Sunshine Dizon at Cherry Pie Picache.. – KNMARTIN