PAULO AVELINO, PAOLO CONTIS NAMI-MISS ANG MGA ANAK KAY LJ REYES

SIGURADO nang bibisitahin ni Paulo Avelino ang anak kay LJ Reyes na si Aki sa New York pagkatapos ng concert tour nila nina Ogie Alcasid at Janine Gutierrez sa California. Nakausap na umano niya si LJ tungkol dito at payag naman ito. Kailangan daw lamang na sabihin niya kung anong araw para hindi sila magkasalisi.

Ipakikilala na rin umano niya kay Aki si Janine, para kung maging sila (hindi pa ba sila?) ay hindi na siya mahihirapang magpaliwanag.

Fortunately, wala raw naman silang problem ani LJ dahil magkasundo sila sa pagpapalaki ng kanilang anak. Ang saya-saya raw niya sa ngayon dahil lahat ay umaayon sa gusto niya maging sa career, family at lovelife (lovelife daw, O!).

Meanwhile, nag-birthday si Paolo Contis noong March 14 pero hindi siya nag-celebrate. In fairness, marami namang bumati sa kanya pero hindi man niya sabihin, halatang nami-miss niya ang kanyang mga anak. Dalawa ang anak niya sa dating asawang si Lian Paz—sina Xonia at Xalane, at isa naman sa dating live-in partner na si LJ Reyes—si Summer.

Pero mukhang mas nami-miss niya si Summer dahil makaama ito. Ngayong nasa New York ang bata, sa video call na lang sila nagkikita.

Sa ngayon raw, magpo-focus muna siya sa kanyang trabaho at mag-iipon ng pera – baka para makabili ng ticket papuntang US para madalaw ang anak kay LJ. KNMartin